Pages

Friday, November 23, 2012

Mga driver sa Boracay, isasailalim sa seminar kaugnay sa proyektong inilatag ng MTO, LGU at BLTMPC

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Isang proyekto ang kasalukuyang pinaghahandaan ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC para sa mga tricycle at multicab drivers sa Boracay.

Ayon kay Ryan Tubi, Chairman BLTMPC, magsasagawa ng dalawang araw na Front liner Enhancement Seminar ang Land Transportation office at Department of Labor para sa mga driver dito sa isla, na magsisimula ngayong araw, Nobyembre a bente-tres hanggang a bente-kwatro ng taong kasalukuyan.

Pag-uusapan umano sa naturang seminar ang mga ordinansa ng transportation, performances ng mga drivers sa kanilang trabaho kabilang na ang kung paano nila i-handle ang maraming pasahero, at kung ano ang kanilang gagawin at paano susundin ang ordinansang kanilang inilatag.

Isa rin sa mga layunin ng nasabing seminar ay mabigyan ng certificate at award ang isang driver upang makapag-renew ng permit sa susunod na taon.

Nauna rito, nagkaroon muna ng registration ang lahat ng mga drivers sa isla kung saan kinuhanan sila ng profiling at binigyan ng kopya ang LGU at BLTMPC, nang sa ganoon kung sakaling nagkaroon sila ng paglabag ay lalagyan ito ng tatak, isang patunay na sila ay lumabag.

At kung sakaling umabot sa limang violations ang isang driver ay hindi na ito papayagang magrenew ng permit.

Habang bibigyan naman ng certificate at award na makapag-renew ng permit ang isang driver na walang anumang report ng kahit na anong paglabag sa kaniyang trabaho.

Ayon pa kay Tubi, naglaan ng budget ang pamunuan ng BLTMPC at lokal na pamahalaan para sa nabanggit na proyekto.

At kung sakali aniyang kulang ang dalawang araw na ito ay handa silang mag-extend ng isa pang araw para mas lalo pang maging handa at mabigyan ng karagdagang impormasyon ang mga drivers may kinalaman sa kanilang trabaho.

Napag-alamang ang nasabing proyekto ay sa pangunguna ng Malay Tourism Office, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Malay.

No comments:

Post a Comment