Pages

Monday, November 26, 2012

Bilang ng mga botante sa Malay, tumaas ng mahigit 3,000

Mahigit tatlong libo at tatlong daan ang idinagdag sa bilang ng mga botante sa Malay para sa 2013 eleksisyon kung ikukumpara noong halalan ng 2010.

Sa panayam kay Elma Cahilig, Comelec Officer ng Malay, sa kasalukuyan ay may 27, 220 na mga botante na ang rehistrado para bumuto sa 2013 Mid Term Elections.

Kung saan noong 2010 ay mayroon lamang 23, 916 na botante ang bayang ito kasama na ang sa isla ng Boracay.

Aminado si Cahilig na marami talaga ang nakapagparehistro ngayong, pero mayroon pa rin aniyang mga kwalipikado na hindi nakahabol sa deadline ng kumisyon.

Sinabi din nito na may karamihan din ang bilang ng mga nagpa-transfer mula sa ibang mga bayan at probinsya dahil sa Boracay na rin nag-tatrabaho at epekto umano ito ng tumataas na bilang migration sa isla.

Ikinatuwa naman ni Cahilig na sa mahigit tatlong libo at tatlong daang bagong botante, hindi na nagkaroon umano ng problema ang tanggapan nito.

Sapagkat wala namang may nagpetisyon o kumuwestiyon sa mga bagong rehistrado, kung saan nagpapatunay lamang na lahat ay kwalipikado.

Sa kasalukuyan, ang Barangay Manoc-manoc parin umano ang may pinaka-maraming bontante na umaabot sa mahigit pitong libo at anim na daan, ikalawa ang Balabag na mayroong mahigit limang libo at pitong daan at ika-tatlo naman ang Caticlan na may mahigit tatlong libo at pitong daang register voters.

Samantala, bagamat hanggang Disyembre pa ang pagsusumite o pag-file ng petition/cancellation sa mga kandidato na naghain ng kailang Certificate of Candidacy noong buwan ng Oktubre.

Inihayag pa ng nasabing opisyal, na sa kasalukuyan ay wala naman silang nalaman na mayroong nagkwestiyon o naghain ng petisyon laban sa isang kandidato para i-diskwalipika. #ecm112012

No comments:

Post a Comment