Pages

Friday, November 23, 2012

Mga tricycle, posibleng kulanging ngayong “super peak season” sa Boracay

Hindi imposibleng kukulangin ng mga tricycle sa Boracay ngayong super peak season na.

Lalo pa at nagpapatupad parin sa isla ng color coding sa mga sasakyang ito.

Sa panayam kay Boracay Land Transport Multi-purpose Cooperative Chairman Ryan Tubi, sinabi nitong pinag-iisipan na rin nila ang bagay tungkol sa posibilidad na kukulangin ang mga unit ng tricycle sa isla, lalo na ngayong magpapasko kung saan dadagsa na rin ang mga turista.

Kaya sa rasong ito, posible rin aniya nilang hilingin sa lokal na pamahalaan ng Malay na kung maaari ay kanselahin muna ang pagpapatupad ng color coding.

Maliban dito, idadagdag din nila sa apela, ang kanilang paliwanag na hindi ang mga tricycle sa ang pangunahing dahilan kung bakit nagsisikip ang kalye at bumibigat ang trapiko sa Boracay.

Ayon kay Tubi, napatunayan nila noong ika-27 ng Oktubre ng dumating ang Caribbean Cruise sa isla at nang ipagbawal ang mga delivery truck at iba pang pribadong sasakyan sa mga oras na iyon.

Dahil nakita umano nila na maayos naman ang trapiko sa kalye gayong mga tricycle lamang ang pumapasada, kung saan ibig sabihin hindi ang mga tricycle at driver nila ang problema sa kalye.

Isa pa umano sa ipupunto nila ay isang taon ang binabayaran nilang Mayor’s Permit bawat unit, nagre-renew at nagbabayad din sila ng rehistro taon-taon.

Kaya dapat ay buong taon din umano ang operasyon nila at hindi yaong kalahati lamang, dahil sa ipinapatupad na color coding. #ecm112012

No comments:

Post a Comment