Pages

Tuesday, November 20, 2012

BTAC, nag-ala tindahan ng motorsiklo

Animo ay tindahan na ng motorsiklo ang harapan ng himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), dahil sa dami ng nahuling lumabag kagabi sa ordinansa at batas trapiko na ipinapatupad dito.

Tila hindi man lang natinag ang ilang motorista sa Boracay sapagkat nitong nagdaang linggo ay marami na rin ang na impound subalit heto at sige pa rin ang biyahe sa kabila na batid ng mga ito ang kanilang mga kakulangan.

Sa naitala noong gabi ng ika-18 ng Nobyembre, 18 ang motorsiklong nasa kustodiya ngayon ng Boracay Police habang 9 na mga drivers license naman ang hawak ng awtoridad.

Ang pagkakahuli sa mga motorista ay sa pamamagitan ng check point na pinagunahan ni P/Insp. Kennan Ruiz.

Agad naman umanong dadalhin ang mga drivers license na ito sa tanggapan ng Land Transportation Office o LTO, habang ang mga motorsiklo ay pansamantalang sa kustudiya ng BTAC.

Inaasahan naman na ang mga nahuling motorsiklo na walang Permit to Transport (PTO) ay isasama sa iba pang nauna nang nahuli para itakda na ipadala sa main land Malay gayon bawal na ito sa isla batay sa Executive Order ng Punong Ehekutibo kaugnay sa Moratorium o pagpapatigil sa pagbibigay ng PTO sa layuning ang mga rehistradong motorsiklo na lamang ang matira sa isla. #ecm112012

No comments:

Post a Comment