Pages

Tuesday, November 20, 2012

“Best Driver Award”, ibibigay ng LGU sa mga tricycle drivers sa Malay

“Best Driver Award.”

Ito ang ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Malay bilang pagkilala sa mga tricycle driver na nagbibigay ng magandang serbisyo sa mga turista.

Ang award na ito sa “tsuper” ng traysikel ay hindi lamang dito sa Boracay kundi maging sa mainland Malay.

Ito ay isang pasasalamat na rin ng LGU sa maayos na serbisyong ibinibigay nila bilang sa mga frontliner o may direktang makikisalamuha sa mga bisita.

Target ng Municipal Tourism Office (MTO) na mapa-unlad ang kalidad ng serbisyo upang makamit ang International Standard ng mga front liners na ito.

Sa programang ikinasa ng MTO na “Tourism Front Liners Enhancement for Sustainable and Globally Competitive Tourism Industry”, sa gagawing ebalwasyon at pagmonitor ng tanggapang ito kung nagagamit ba ang mga itinuro sa mga drivers.

Makakatanggap ng premyo ang mga driver na ito mula sa LGU Malay.

Ayon kay MTO Chief Operation Officer Felix Delos Santos Jr., may pondo nang inilaan ang LGU dito at aasahang matatanggap ang award na ito sa gaganaping Malay Day sa ika-15 ng Hunyo sa susunod na taon.

Pagbabasihan aniya nila sa pagbibigay ng Award ay kung: matapat ang isang driver na hindi naniningil ng sobra; may sapat na kaalaman gayong driver/tour guide na sila ngayon; palakaibigan at palangiti; may dispilina; propesyunal, kabilang na ang maayos na pananamit at pakikipag-kapwa tao; at higit sa lahat, ang pagiging matulungin.

Ang mga katangian umanong ito ang dapat taglayin ng isang frontliner na siyang makakatulong sa promosyon ng industriya ng turismo sa Boracay na Premiere Tourist Destination at 7 Wonders of Malay. #ecm112012

No comments:

Post a Comment