Pages

Friday, November 09, 2012

BIHA, napagbintangang kulang sa kakayahan?

Tanging ang kakulangan sa tamang pagpapaliwanag at pakikiharap sa mga turista ang naging problema sa Boracay ng dumaong ang unang cruise ship sa isla.

Sapagkat, maituturing na tagumpay umano para sa Boracay ayon kay Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang pagkakatong iyon.

Lalo pa at wala umanong aberiyang naranasan sa isla ang mga turista noon pumunta ang mga ito nito noong ika-27 ng Oktubre.

Sa privilege speech nito sa SB Session nitong Martes, tinukoy ng konsehal na naging maayos ang lahat, mula sa pagkakalatag ng seguridad at naging organisado naman ang lahat sa isla.

Subalit nabatid umano nito mula kay Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na ang sumablay lamang ay dahil mistulang walang sa kakayahan ang mga bangkero at tripulante na animo ay kulang sa pagsasanay sa pagharap sa mga bisita ng Caribbean Cruise.

Kaunay nito nagpahayag ng reaksiyon si Gallenero sa konseho, gayong ang Boracay Island Hopping Association o BIHA umano ang ininguso ni Maquirang.

Ipinagtangol din nito ang BIHA, gayong hindi naman aniya sila ang bangkang ginamit noon ng mga turista.

Sa halip ay napag-alaman umano ng konsehal na ang bangkang ginamit ay nagmula sa Caticlan Boracay Transport Multi Purpose Cooperative o CBTMPC pala.

Bunsod nito, isinatinig ni Gallenero nasana’y maklaro ito, upang hindi naman mapagbintangan ang BIHA.

No comments:

Post a Comment