Pages

Friday, November 09, 2012

Mga may-ari ng gasoline station sa Boracay ipapatawag ng LGU Malay


Sa file photo na ito naobserbahan ang
pagdagsa ng mga "oil nuggets" sa dalampasigan
ng Boracay White Beach.
Nakaramdam ngayon ng pagkabahala ang Sangguniang Bayan ng Malay sa oil spill na pwedeng maidulot ng mga truck na nag-dadala ng petrolyo sa Boracay.

Dahil dito, plano ng mga konseho na ipatawag sa paraan ng Committee Hearing ang mga may-ari at operator ng mga gasoline station sa Boracay.

Ito ay upang mapag-usapan kung ano ang mabuting gawin para maiwasan ang oil spill, lalo na sa transportasyon ng petroleum products na pinapasok sa isla.

Ito ay kasunod ng inihayag ni SB Member Jupiter Gallenero na noong ika-26 ng Oktubre habang halos abala ang lahat sa pagdating ng Caribbean Cruise ship  kina-umagahan, isang aksidente ang nangyari ng araw na iyon sa mismong pantalan ng bangka at barge ng cargoes area.

Sapagkat ayon sa konsehal, aksidenteng nahulog ang tanker truck na may kargang petrolyo dahil sa nagkaroon ng aberya sa rampahan ng barge.

Mabuti nalang umano at walang tumagas na krudo o gasolina sa pangyayaring iyon.
Dahil dito naalarma ang mga konsehal.

Kaya ipapatawag nila ang operator at may-ari ng mga gasoline station para mailatag at mapag-usapan ang mga dapat at magkaroon ng sapat na paghahanda sa katulad na pangyayari na pwedeng ikasira ng Boracay, partikular na sa white beach ng isla.

No comments:

Post a Comment