Pages

Friday, November 23, 2012

Mga naglalako sa front beach, umapela sa SB

Nag-iisip na ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay kung ano ang magiging aksiyon nila sa sunud-sunod na apela ng mga naghahanap buhay sa vegetation area sa front beach ng Boracay.

Sapagkat kung ang mga hair braiders o taga-tirintas ng buhok sa Boracay ay humingi ng pag-unawa kaugnay sa kanilang kabuhayan sa lokal na pamahalaan ng Malay bagay na nagpadala ng sulat na kung maaari ay gawin ng legal ang kanilang propisyon na napili.

Ang mga ambulant vendors gaya ng nagbibenta ng taho at isda sa front beach ay nagpaabot din ng sulat sa SB na naglalayong mabigyan sila ng kahit dalawang oras na makapaglako sila sa area na ito.

Gayong ang nasabing mga vendors ay hinuhuli ng MAP o pulis kapag nakita ang mga ito na nagsasagawa ng kanilang aktibidad sa front beach.

Kaugnay nito, nilinaw ni Vice Mayor Ceceron Cawaling na hindi ipinagbabawal ang mga naglalako ng taho at isda sa mga eskinita sa Boracay.

Pero sa vegetation area kung saan doon din ang mga turista ay tila hindi umano pwede.

Dahil dito, aalamin aniya ng konseho mula sa Punong Ehikutibo kung ano ang saloobin nito kaugnay sa apela ng mga naghahanap buhay sa front para magawan nila ng Ordinansa ng SB kung kailangan pa o kaya ay ma-rebyu nila ang ordinansa kung ano ang mayroon na. #ecm112012

No comments:

Post a Comment