Pages

Tuesday, October 23, 2012

Resibo, hindi mabibili sa mga bangketa --- BIR Aklan

Mariing inihayag ni Bureau of Internal Revenue Aklan OIC Ricardo Osorio na ang mga resibo ay hindi puwede mabili sa mga bangketa lamang, dahil kailangang otorisado talaga ito ng kawanihan.

Maituturing umanong peke ang resibo na ibinibigay sa tuwing magkaroon ng transaksyon o bibili ang isang indibidwal kung walang serial number at gawa sa bangketa na hindi awtorisado ng BIR ang nag-imprenta.

Ayon kay Osorio, pananagutin nila ang mga bangketang nagbi-benta ng resibo na hindi awtorisado lalo na kapag may magreklamo sa kanilang nag-isyu ng pekeng resibo, ay agad umanong pa-iimbistigahan ito.

Kapag gumamit umano ng pekeng resibo, nangangahulugan lamang na pandaraya iyon at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Samantala, sa mga mahuhuli umanong tax payer na gumagawa nito ay ipapataw aniya ng kawanihan ang pinalidad na nararapat sa kanila.

Inihayag din ni Osorio na hindi lamang mula sa bayan ng Kalibo sila nakakatanggap ng reklamo na hindi nagbibigay ng resibo ang isang establisemyento, kundi mayroon na rin sa Boracay, bagay na iniimbistigahan na rin nila sa ngayon. #ecm102012

No comments:

Post a Comment