Pages

Monday, October 22, 2012

Crew ng BIHA kailangan nang mag-SOLAS at magkaroon ng Seaman’s book

Tinaasan na ngayon ang standard at requirements upang maging crew o tripulante ng bangka sa Boracay lalo na sa island hopping.

Ito ay dahil isasailalim na ang mga ito sa training na Safety of Life at Sea o SOLAS, at kailangang magkaroon na rin ng Seaman’s book ang mga ito bago payagang maging kapitan o crew ng bangka.

Ito ang nabatid mula kay SB Member Jupiter Gallenero sa Joint Committe Hearing kamakailan lang, gayong aminado ang SB na karamihan sa mga tripulante ay hindi pa talaga nasanay kung ano ang dapat gawin sa oras ng emerhensiya.

Noong Biyernes, ika-19 ng Oktubre, ay tuloy na ang gagawing pagsasanay o training ng may pitumpong tripulante ng Boracay lalo na sa Island Hopping Association sa siuydad ng Iloilo, ayon kay Rey Fernando, operations manager ng nasabing asosasyon.

Ito ay makaraang hilingin ng Maritime Authority o MARINA sa BIHA na ipasanay ang kanilang crew para na rin sa kaligtasan ng mga turistang kalimitang binibigyan nila ng serbisyo.

Ganunpaman, kahit pitumpong empleyado ng BIHA ang tutungo sa Iloilo para magsanay bukas, nilinaw ni Fernando na hindi naman maaapektuhan ang operasyon nila, dahil may mga matitira pa namang mga crew sila.

Ito ay dahil ang ipinadala lamang aniya nila doon para sa tatlong araw na pagsasanay ay yaong mga walang lisensya.

Subali’t bilang reaksyon naman kaugnay dito ni Vice Mayor Ceciron Cawaling, hindi umano sapat ang tatlong araw na basic training na ito para sa mga tripulante upang masiguro ang kaligtasan ng mga sakay ng bangka.

Kundi dapat aniya ay mayroon talaga aktuwal at mahabang pagsasanay sa mga ito.

Kung maaalala ngayong taon ay ilang beses na rin nagkaroon ng sakuna na kinasangkutan ng Island Hopping na kumitil sa buhay ng mga turista at maging ng kapitan ng bangka.

No comments:

Post a Comment