Pages

Tuesday, October 23, 2012

Maingat na paggamit ng kandila, paalala ng BFP sa publiko

Mag-ingat sa paggamit ng kandila ang isa sa layunin sa gagawing kampaniya ng mga bombero sa Boracay ngayong nalalapit na ang Undas.

Kaya kung maaari umano ay ilayo sa mga kurtina at huwag hayaang nakapatong lamang sa lamesa ang may sinding kandila para iwas sunog.

Ito ang kalimitang instraksyon umano nila sa mga pamayanan na gumagamit ng kandila lalo na ngayong Undas ayon kay SF01 Edgardo Imason, Chief Operation Operation ng Bureau of Fire Boracay.

Aniya, ang nakasinding kandila kapag natumba sa mga light materials, inihipan ng hangin ang kurtina at napunta sa nakasinding kandila ay siyang madalas na pinagmumulan ng sunog.

Samantala, pagdating naman sa mga sementeryo, binabantayan at pinagbabawalan rin aniya nila na magtirik ng kandila ang isang indibidwal sa mga lugar kung saan may mga tuyong dahon para maiwasan din ang grass fire.

Kaya ikakasa na rin umano nila ang awareness sa publiko sa paraan ng pagbibigay paalala sa mga ito ng mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas sa sunog.

Maliban dito, aasahang naka red-alert, magiging visible at mag-iinspeksyon din sila para mabantayan ang siguridad ng publiko laban sa sakuna dala ng selebrasyon.

Sa gagawin nilang operasyon ngayong Undas ay magiging katuwang umano nila ang Philippine National Red Cross. #ecm102012

No comments:

Post a Comment