Pages

Wednesday, October 31, 2012

Pamamalimos sa Front Beach, hindi ugali ng Ati sa Boracay

Wala sa kultura ng mga tumandok na Ati sa Boracay ang mamalimos.

Ito ang inihayag ni Delsa Justo, Chieftain ng mga katutubong Ati sa Sitio Tolubhan, Barangay Manoc-manoc bilang paglilinaw, dahil sa madalas na ang grupo nila ang napapagkamalang nag-iikot at namamalimos sa isla ng Boracay.

Sa panayam kay Justo, nilinaw nito na simula noon, kahit isang dalawa o kaya ay isang beses lamang sila makakakain sa isang araw ay nagtitiis sila.

Pero ni hindi aniya nila naisip na mamalimos, dahil ang mga katulad nilang tumandok ay nagtatrabaho, nangingisda at nagtatanim para mabuhay at mataguyod ang kanilang pamilya.

Kung matatandaan, kapag sumapit ang Disyembre ay biglaan na lamang sumusulpot ang mga katutubo sa Front Beach ng Boracay ay doon naglalatag ng mahihigaan at namamalimos pa.

Bagamat hindi matukoy ni Justo kung saan galing ang mga katutubong ito, mariing sinabi nito na hindi tumandok ng Boracay ang gumagawa nito, dahil hindi sila pakalat-kalat kung saan lang.

At ito dapat umano dapat ang makita din ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Magugunita ding maging ng Social Welfare at pulisya sa Boracay ay aminadong hindi nga taga rito sa isla ang mga namamalimos na ito gaya ng mga Badjao. #ecm102012

No comments:

Post a Comment