Pages

Tuesday, October 30, 2012

Koreano, naitalang pang-isang milyong turista sa Boracay

Matapos ang halos dalawang taon na pangarap para sa Boracay na maabot ang isang milyong tourist arrival, sa wakas ay naabot na rin ang target na bilang.

Kung saan, isang Korean National ang naitalang pang-isang milyong turista sa Boracay sa binabantayang talaan ng mga ng Municipal Tourism Office (MTO).

Sa record ng MTO, ang Koreanong si Yuki Mau ang nag-swak sa nasabing bilang para makompleto ang 1 million tourist arrival.

Kung matatandaang mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas, ng umasa ang pamahalaang probinsiyal na maaabot na ang target na ito.

At nitong  araw nga ng Biyernes, ika-26 ng Oktubre ng taong kasalukuyan, ay naabot na ang 1 million tourist arrival ng Boracay bandang 2:36 ng hapon.

Samantala, labis na ikinatuwa naman ng Department of Tourism (DoT) Regional Director Atty. Helen Catalbas ang achievement na ito.

Kung saan sa isang milyong turista na ito ay hindi pa aniya kasama ang mahigit dalawang libong pasahero ng Caribbean Cruise na dumaong sa Boracay nitong Sabado.

Dahil dito, pinuri nito ang mga opiyales ng Malay at probinsiya, dahil mahigit dalawang buwan pa aniya bago matapos ang taong naabot na ito. #ecm102012

No comments:

Post a Comment