Pages

Thursday, October 25, 2012

Paliligo sa beach at mga sea sports activities sa Boracay, bawal muna dahil sa Bagyong Ofel

Mahigpit nang ipinapatupad ngayon sa front beach ang pagbabawal sa paliligo pansamantala ngayon araw.

Ito ay dahil nasa ilalim parin ng Storm Signal Number 2 ng bagyong Ofel ang buong probinsiya ng Aklan kasama ang isla ng Boracay na nagdadala ng malakas na hanggin at naglalakihang mga alon sa baybayin.

Bunsod nito, puspusang pagbabantay ngayon ang ginagawa at pagpapatrolya ng Life Guard sa front beach upang pagbawalan muna ang naliligong ito, gayong delikado pa sa ngayon.

Bagamat sumusunod naman ayon sa Life Guard ang iba, hindi pa rin maiiwasang mayroong nagmamatigas at nagpupumilit pa ring maligo.

Pero wala umanong magagawa ang Life Guard kundi ang paahunin ang mga ito mula sa tubig para din sa kanilang kaligtasan.

Nabatid mula kay Life Guard Ortega na sakali umanong mayroong magreklamo dahil sa pina-ahon at pinagbawalang maligo ang mga turista sa isla.

Tumatanggap naman umano sila ng anumang reklamo, gayong nakahanda naman aniya ang supervisor ng Life Guard na magpaliwanag sa mga turistang ito.

Sa kabilang banda, naman hanggang ngayon ay kanselado pa rin ang biyahe ng lahat ng bangka.

Maging ang sea sports activities sa Boracay ay pansamantalang itinigil din.

Samantala, ayon kay CPO Serafio Trogani ng Coast Guard Caticlan, mamayang alas onse ng umaga kapag maglabas na ng panibagong pagtataya ng panahon ang PAGASA at maibaba sa storm Signal # 1 ang Aklan ay posibleng magdesisyon din sila na ibalik na ang biyahe ng mga bangka, depende umano sa sitwasyon. #ecm102012

No comments:

Post a Comment