Pages

Thursday, October 25, 2012

400 pasahero, standed kagabi sa KIA; biyahe ng eroplano, tuloy pa rin

Sa kabilang ng nararanasan samang panahon dahil sa Bagyong Ofel at nasa dignal number 2 ang buong probinsiya ng Aklan kasama ang isla ng Boarcay, tuloy pa rin ngayon araw ang biyahe ng eroplano sa Kalibo International Airport ayon kay Jenet Menor, Duty Officer sa Civil Aviation Authority (CAAP) Kalibo.

Aniya, simula kahapon hanggang ngayon, isang flight lamang ang naapektuhan sapagkat dapat kahapon ng 6:30 ay lalapag ang isang eroplano ng Cebu Pacific.

Subalit bagamat nasa kalawakan na ito ng Kalibo, bumalik pa ito sa Manila dahil nahirapan sa pag-landing dala ng masamang panahon.

Inihayag din ng Duty Officer na kagabi ay tinatayang 400 pasahero ang na-stranded at doon na lamang nagpalipas gabi sa Terminal ng KIA pagkalapag ng sinasakyang eroplano dahil sa hindi rin umano makatawid papuntang Boracay dahil cancelled ang biyahe ng bangka.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Menor, na kahit may bagyo, ay tuloy pa rin ang biyahe ng eroplano sa KIA.

Anya, ang piloto naman di umano ang nakaka-alam kung ligtas pa ba sa kanila at sa mga pasahero ang bumiyahe sa himpapawid.

Pero sa pagkakataong ito ay desidido pa naman ang mga piloto. #ecm102012

No comments:

Post a Comment