Pages

Thursday, October 25, 2012

Mahigit 600 na pasahero, stranded sa Caticlan; 2 bangka tumaob dahil sa bagyong Ofel

Siksikan at stranded ang mga pasaherong tinatayang nasa animnaraan ngayong umaga sa Caticlan Jetty port sa kasagsagan ng Signal number 2 ng Bagyong Ofel.

Sa anim na daang pasahero, humigit kumulang dalawang daan dito ay pasahero ng Roll-on-Roll-Off (RORO).

Sa panayam kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ng himpilang ito, simula pa ng alas-kwatro ng hapon kahapon nang idineklarang kanselado ang biyahe patawid ng Boracay kasama sa inilabas na utos ng Philippine Coast Guard Caticlan Detachment ay dumami ang na stranded hanggang ngayong umaga.

Sa lakas naman ng alon buong magdamag, tumaob at nasira ang pampasaherong bankang “Michael “2 at isang cargo banca habang ang mga ito ay naka-angkla sa Jetty Port mag a-alas-singko nitong umaga.

Inaasahann naman ngayong umaga na posibleng dumaan ng Boracay ang bagyong Ofel na may lakas na 65 kph bago ito lumabas kanlurang bahagi ng Mindoro. #acpsr102012

No comments:

Post a Comment