Pages

Monday, October 22, 2012

Malay, kayang bumili ng equipment pang rescue kung creativity lamang ang pairailin

Reputasyon ng Boracay bilang “safe destination” ay hindi lamang nakasalalay ang responsibilidad sa lokal na pamahalaan ng Malay, kundi sa lahat ng ahensiya at grupo na may malaking kontribusyon sa kaligtasan at siguridad ng mga turista dito.

Kaya ipinatawag ng Sangguniang Bayan ang Life Guard, Boracay Island Hopping Association (BIHA) at Coast Guard sa isinagawang Joint Committee Hearing kahapon ng tatlong kumitiba na pinangunahan ni SB Rowen Aguirre, Chairman ng Committee on Law and Ordinance, at tumatayong Chairman na pinagpaliwanag ng Committee on Laws, Tourism at Public Safety and Order.

Ito ay kaugnay sa nangyaring pagkalunod ng mga estudyanteng turista noong ika, ikatlo ng Oktubre at pagtaob ng bangkang sinasakyan ng mga Taiwanese national kinahapunan.

Pero, nilinaw ni Aguirre na ang pagpapatawag nila sa mga ito kasama ang Municipal Auxiliary Police (MAP), ay hindi para alamin kung sino ang may sala sa nangyaring mga sakuna na resulta sa pagkamatay ng ilang turista.

Ang nais lamang umano nila ay malaman kung ano ang mga kulang sa araw-araw na operasyon ng mga nabanggit upang magawan ng paraan na kung hindi man lubusang maiwasan ang sakuna kahit papaano ay mabawasan ang casualty, gayong wala naman may gusto na mangyari ang ganito.

Kaugnay nito, inimbentaryo na rin ng mga kumitiba ang mga gamit o asset ng ahensiya at grupong ito upang mapaghanadaan aniya ng LGU, kung ano pa ang dapat na batas at procedure upang hindi na maulit pa ang naturang pangyayari.

Bagamat ang mga problema ukol sa kakulangan ng gamit na ito ay matagal na at nahiling na rin na magkaroon nito sa LGU noon paman.

Inihayag ni Agguire na may mga pera naman ang LGU na pwedeng mapagkukunan ng pambili ng mga gamit na ito.

Kaya maisasakatuparan na ito ngayon dahil may mapagkukunan naman ng budget kung pairalin lamang ang creativity o makamalikhain sa pag-gamit ng pondo. #ecm102012

No comments:

Post a Comment