Pages

Monday, October 22, 2012

Estado ni Gov. Marquez at Kasangga Party List, nakalutang pa

Nanatiling nakalutang parin ang estado ng Kasangga Party List nakaraang maghain ng petisyon si Fr. Jo Dizon ng Kontra Daya laban sa political party na ito noong Setyembre.

Nilalaman ng petisyon ay “Complaint for the Cancellation of the Registration of Kasangga Party List”.

Kasabay nito, gayong si Aklan Governor Carlito Marquez ang ipinalit kay Cong. Teodorico Haresco na siyang kumakataawan dito ngayon, tila nakalutang na rin ngayon ang estado ni Marquez sakaling panigan ang grupo ni Dizon ng Comelec na ibasura o tanggalin na rin sa listahan ng Party List ang Kasangga.

Bagamat sa kasalukuyan ay 13 na sa mga Party List ang na-diskwalipika ng Comelec batay sa listahan na ipinalabas noong ika-10 ng Oktubre at hindi kabilang doon ang Kasangga.

Samantala, nasa "full swing" na ang ginagawang review process ng poll body sa partylist groups at posible umanong abutin nang mahigit isang daang partylist organizations ang ma-disqualify para tumakbo sa 2013 midterm elections ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Bagay na hindi pa malaman sa ngayon kung kabilang doon ang Kasangga.

Pero, anumang araw ngayong linggo ay posibleng maianunsyo na ng Commission on Elections (Comelec) ang karagdagang tatlongpung disqualified partylist organizations.

Kung matatandaan hiniling ng grupo ni Dizon na ibasura o tanggalin na sa listahan ang Kasangga dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kumakatawan dito at umano ay inabuso ang party list system dahil sa mayaman naman kagaya ni Haresco ang kumatawan dito sa grupong ito. #ecm102012

No comments:

Post a Comment