Pages

Monday, October 22, 2012

Life Guard Boracay at Coast Guard, nakapagpaliwanag na sa sunod-sunod na sakuna

Nakapagpaliwanag na ang Coast Guard at Life Guard sa Sangguniang Bayan kahapon kaugnay sa nangyaring sakuna noong ika-tatlo ng Oktubre.

Sa nasabing buwan, magkasunod ang nangyaring pagkalunod sa front beach at pagtaob ng bangka na kumitil sa buhay ng anim na katao sa iisang araw lamang.

Sa ginawang Joint Committee Hearing ng Committee on Law and Ordinance, Tourism at Public Safety and Order, sinabi ng Supervisor ng Life Guard na si Miguel Labatiao na bago paman nangyari ang pagkalunod ng mga turistang estudyante mula Manila ay nabigyang paalala na ang mga ito na bawal maligo.

Pero sumirit pa rin umano ito sa dagat sa kabila ng naglalakihang alon.

Sa ginawang paliwanag naman ng Coast Guard, inihayag ni PO 1st Pedro Taganos ng Coast Guard Caticlan na bago paman ang insidente ay nagawa na nilang ikansela ang paglalayag ng mga bangka sa Tabon.

Dahil na kita nila ang sitwasyon ng langit na nagbabanta ang masamang panahon, bagay na hindi umano siguro napuna ng tripulante ng bangkang tumaob.

Batay din umano isinigawa nilang imbestigasyon, nagpanic ang mga Taiwanese national na sakay at nagkumpulan sa isang sulok lamang particular sa dulo ng bangka, kaya nawala sa balanse at sumumsob ang naturang sasakyang pandagat.

Nakita naman na pawang sakuna ang nangyari, dala ng masamang panahon.

Bunsod nito, naging topiko din kahapon kung sino ang dagat na magdeklara na bawal na ang maligo sa front beach o maglayag ang mga bangka at magkakansela ng sea sports activities kapag walang bagyo pero masama ang panahon.

Ininguso naman ni Vice Mayor Ceceron Cawaling ang responsibilidad sa Punong Ehekutibo na siyang dapat gumawa nito sa paraan ng executive order. #ecm102012

No comments:

Post a Comment