Pages

Wednesday, October 10, 2012

Karagdagang mga polling precincts, target ng Comelec sa Aklan

Matagumpay at walang naging problema ang eleksiyon noong 2010 gamit ang mga PCOS machines.

Kaya nakikita umano ni Provincial Commission on Election (Comelec) Supervisor Atty. Ian Lee Ananoria na walang anumang problema kaugnay dito sa darating na 2013 na halalan.

Gayon pa man, napansin aniya nito ang sitwasyon noong nagdaang eleksiyon na may ilang polling percents na mahaba talaga ang pila.

Bagay na ngayon pa lang ay ikinukunsidera na nila ang pagkakaroon ng mga karagdagang presinto para mapabilis ang pagboto ng publiko sa daratating na May 2013 elections.

Ito aniya ang nakita nilang solusyon lalo pa at nadagdagan ngayon ang mga botante.

Kung matatandaan, noong 2010, ilang suliranin ang dinanas ng ipatupad ang pag-gamit sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines, kabilang na ang kawalan ng signal sa ilang area sa Aklan kaya kailangan pang ilipat ng lugar upang makapag-transmit ng datos ang machine, dagdagan pa ng ilang indibidwal na nnahihirapang gumamit ng aparato sapagkat iyon ang kauna-unahang eleksiyon na ginamit ang machine.

Samantala, ngayong tapos na ang Filling of Certificate of Candidacy (CoCs) noong ika-5 ng buwang ito, agad naman binuksan ng Comelec ang tanggapan nila para sa mga nais magparehistro, transfer, at magpa re-activate upang maging kwalipikadong botante para sa 2013 midterm elections. ecm102012

No comments:

Post a Comment