Dahil sa sunod-sunod na insidente ng pagkalunod na naitala sa Boracay sa loob lamang ng isang araw, nitong nagdaang Miyerkules, ika-3 sa buwan ng Oktubre, napag-usapan na umano sa Emergency Meeting na ipinatawag na Malay Mayor John Yap noong ika- apat ng Oktubre.
Ito ay ayon kay Philippine Coast Guard OIC Station Commander ng Caticlan Chief Petty Officer Ronnie Hiponia, kasabay ng pagpapahayag na hihigpitan na talaga nila ang pagpapatupad sa pagbabawal nang paliligo sa front beach kapag masama ang panahon.
Maliban dito dahil sa hindi pa umano alam ng mga turista kung ano ang kahalagahan ng Red Flag na siyang itinataas na nagsasabing bawal na ang paliligo.
Plano umano ng Punong Ehikutibo na palaparin ang kaalaman ng Publiko kaugnay sa Red Flag na ito at pipilitin nilang magkaroon ng taong mag-iikot sa front beach na ang trabaho ay pagbawalan at bigyang babala ang mga nais maligo at mga maliligo sa dagat.
Maliban dito, upang madaling makita ang Red Flag ay lalakihan na ito.
Aniya, ang mga bagay na ito ay pagtutulungang gawin ng mga miyembro ng Boracay Action Group.
Gayon pa man, sa bahagi umano ng Coast Guard, ginagawa naman nila ang lahat ng paraan para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa Boracay. | ecm102012
hindi po ba dapat matagal na nila yan ipinatupad? kung hindi pa pala dumami ang kaso ng pagkalunod, di pa nila ipapatupad.
ReplyDeletesalamat po sa comment n'yo. may naipatupad na po pero baka kailangan lang talaga ng stricter implementation. nag-meeting na rin naman po sila so baka nagpa-planning na po sila.
ReplyDelete