Hindi pa naiisasara ng Philippine Coastguard sa Caticlan ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa tumaob na bangkang pang-island Hopping nitong nagdaang Miyekules, kung saan lulan ang 31 katao na kinabibilangan ng mga turista, tour guide at tripulante.
Noong Sabado, sinabi ni Chief Petty Officer Ronie Hiponia, OIC Station Commander ng PCG-Caticlan, hindi pa nila nakukunan ng statement ang tour guide ng mga Taiwanese national na kasama sa tumaob na bangka kung ano talaga ang nangyari.
Gayon pa man, nangako ito na sa oras na matapos ang kanilang imbestigayon at kung ano man ang resulta, nasa kamay na umano ng Regional Office ng Coast Guard ang pagpataw ng karampatang penalidad sa operator ng bangka.
Sa ngayon, tila wala pa naman umanong natatanggap na reklamo ang PCG mula sa mga biktima na pinabayaan sila ng may-ari ng nasabing sasakyang pandagat dahil sa pagkakaalam aniya nito ay binalikat naman ng operator ang gastos ng mga biktima.
Samantala, dahil sa nakumpirmang tatlong insidente agad ang naitala sa loob lamang ng 24 oras sa araw mismong iyon, kabilang na ang paglubog ng bangka sa Tabon Port ng madaling araw na iyon, pagkalunod ng mga estudyante sa front beach, tatlo ang binawian ng buhay at insidente ng pagtaob ng bangkang sinasakyan ng Taiwanesse National pagkahapon, agad naman umanong nagpatawag ng Emergency Meeting ang Punong Ehekutibo para maaksiyunan at mapagplanuhan ang mga bagay, upang hindi na maulit pa ang pangayayari. | ecm102012
No comments:
Post a Comment