Pages

Friday, October 26, 2012

Dry run ng re-routing para sa pagating ng cruise ship bukas, isasagawa ngayong araw

Ngayong araw ay gagawin na ng dry run para sa ipapatupad na re-routing sa daloy na trapiko sa Boracay.

Ito ay bilang paghahanda sa pagdating ng Caribbean Cruise na Legend of the Seas bukas, ika-27 ng Oktubre.

Ayon kay P/S Inps. Joeffer Cabural, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ang ipapatupad nila ngayong re-routing ay upang maiwasang bumigat ang daloy ng trapiko bukas kapag dumating na ang mahigit dalawang libong turista na sabay-sabay baba sa Boracay mula sa nasabing barko.

Bunsod nito, magpapakalat na rin ng Pulis, Army, Municipal Auxiliary Police (MAP), Baranggay Tanod, at mga miyembro ng iba’t-ibang  Non-Government Organization sa Boracay para sa seguriad ng mga bisitang ito sa isla.

Kaugnay nito, kooperasyon at pag-unawa mula sa mga motorista, lalo na sa mga tricycle driver ang hiling ni Cabural, kasabay ng panawagan ng hepe na sundin ang re-routing na ipapatupad nila para sa maaayos na daloy ng trapiko sa isla simula ngayong araw.

Samantala, dahil sa bagong luklok na hepe pa lamang si Cabural sa Boracay at ito ang kauna-unahang malaking event na kaniyang pangu-ngunahan ang siguridad gaya ng pagdating ng libo-libong turista na sakay ng Cruise ship, para sa hepe ay isang paghamon ito sa kaniya, at naniniwala itong magiging maaayos naman ang lahat.

Pero, sinabi nitong all set na rin ang lahat para sa deployment ng friendly forces ng pamahalaan para bukas. #ecm102012

No comments:

Post a Comment