Pages

Thursday, October 25, 2012

Coast Guard Caticlan, ipinaliwanag ang pagkansela sa beyahe ng bangka sa Boracay

Ipinaliwanag ngayon ng Coast Guard Caticlan ang kaugnay madalas na reklamo ng mga turista na-stranded sa Caticlan Jetty Port.

Ito ay dahil sa hindi batid ng mga turistang pumupunta sa Boracay ang sinusunod na alituntunin ng Coast Guard sa pagdideklara na bawal maglayag ang mga bangka patawid ng isla kapag may bagyo.

Nakapaloob din kasi umano sa Memorandum Circular nila na bawal talagang maglayag ang bangka kapag may storm signal sa isang probinsiya.

Ngunit dahil sa konsiderasyon at napalibilang ang islang ito sa Special Areas ng Coast Guard.

Kaya kahit may Storm Signal pa rin sa Aklan at Boracay ngayon, ibinalik umano pansamantala ang biyahe ng bangka gayong kailangan ito at nakita naman nila ang sitwasyon ng mga turista.

Kaya ipinapatupad aniya nila ang “sun rise to sunset” na paglalayag na siyang ali-tuntunin na nakasaad sa Memorandum Order. #ecm102012

No comments:

Post a Comment