Sinisingil na ngayong ng isang miyembro ng Sangguniang Bayan
ng Malay ang pamahalaang probinsiyal ng Aklan sa mga kondisyon na hiningi nila
kapalit ng ibinigay na pag-endorso para sa 2.6 ektaryang reklamasyon sa
Caticlan.
Ayon kay SB Member Rowen Aguirre, anim na buwan na ang
nakakalipas pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natutupad ng probinsiya ang
mga konsdisyon para sa nasabing proyekto na tila nagpapahiwatig umano na hindi
seryoso ang pagtupad dito, lalo pa at ginawa lamang umano nila ang pag-endorso
sa pamimilit na rin ng probinsiya.
Sinabi din ni Aguirre na kapag intresado umano ang
probinsiya, nasimulan o nagawa na nila sana ito matapos ang anim na buwan
simula ng magbigay sila ng pag-endorso.
Sila din naman umano ang apektado kung hindi nila tinupad
ang kondisyon doon.
Partikular na tinukoy ni Aguirre ang kondisyon sa pagsagawa
ng Environmental Study sa epektong madadala ng 2.6 hectar na proyekto sa
Caticlan, gayon din ang pagbuo ng Caticlan Jetty Port Management Board.
Pero ipinagtanggol naman ni SB Member Jupiter Gallenero ang
probinsiya dahil sa pagkaka-alam aniya nito, nagsisimula na ngayon ang may
proposisyon ng proyekto para matupad ang mga konsdisyong ito.
Katunayan ay nakapagsimula na rin silang kumonsulta sa mga
stakeholders sa Boracay, bilang isa sa requirement na hinihingi ng Korte
Supreme.
Kung maaalala, nang magpasa ng resolusyon ang SB Malay, may
anim na kondisyon silang hiningi sa probinsiya. Ito ay ang pagkakaroon ng Environmental Study,
pagbuo sa Jetty Port Management Board, Public Consultation, maging limitado
lamang sa 2.6 hectare ang reclaimation at maglaan ng espasyo sa Caticlan Jetty Port para sa LGU Malay. |
ecm092012
No comments:
Post a Comment