Sapagkat nais nito ngayong malaman kung ano na ang sitwasyon
ng proyekto lalo pa at nakarating umano sa kaniya ang impormasyon na tila
nabasag ang ilan sa mga dome na bahagi ng proyekto na pinondohan ng P50M.
Pinunto ni Gallenero na tiwala siya sa proyektong ito na
ipinatupad ng Sangkalikasan lalo na at nakumbinsi ito na ang grupong ito ay gagamit
ng kanilang secret formula upang maging matagumpay ang proyekto, kung saan
hanggang sa ngayon ay hindi nasisiwalat kung ano ang secret formula na ito.
Subalit kabaliktaran naman ito sa inaasahang niya kung
sakaling totoong na nasira nga ang mga dome.
Maliban dito, nangangamba din ito na baka may masamang
maidulot sa baybayin ng Boracay ang mga nasirang dome lalo na sa mga korales na
dapat ay pinuprotektahan.
Bunsod nito, nangmungkahi si SB Member Rowen Aguirre na
tingnan ang kalagayan ng mga dome na ito sa tulong ng mga divers mula sa
Municipal Agricultures Office (MAO) para siyasatin ang kalagayan.
Ang dome ay isang artificial reef na siyang magsisilbing tahanan
ng mga isda sa Boracay kasabay ng napabalitang nasisira na ang mga korales sa
isla. | ecm092012
No comments:
Post a Comment