
Katulad sa naunang nang sinabi ni Engr. Elezer Casidsid,
Municipal Engineer ng Malay na kahapon dapat sisimulan ang proyektong
pagsasa-ayos ng drainage sa Lugutan Area, Brgy. Manoc-manoc at pagkakaroon ng pumping
station upang maiwasan na ang pagbaha sa nasabing lugar, subalit tila hindi ito
nangyari gaya ng inihayag ni Casidsid.
Maliban pa dito ay ramdam din na pahirapan pa rin ang pagdaan
sa lugar na ito kahit ang mga sasakyan dahil sa hindi pa rin humuhupa ang
tubig, resulta ng halos isang oras lamang na ulan.

Dahil maliban sa mga driver, pasahero at empleyado ng establishimiyento
doon, ang kanilang mga kostumer ay dumadaing na rin sa baho na nagmumula sa
nasabing tubig baha na nahahaluan ng tubig na nagmula sa sewer.
No comments:
Post a Comment