YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Turistang muntik nang malunod, nasagip ng Lifeguard


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Bakas sa mukha ng bente sais anyos na turista ang pasasalamat matapos masagip ng lifeguard noong Biyernes ng hapon.

Muntik na kasi itong malunod habang naliligo sa Manoc-manoc beach, nang tangayin ito ng malalakas na alon.

Napag-alamang ang muntik nang mabiktimang si Ryan Taborada ng Cebu ay napansin na lamang ng kanyang mga kasamang naliligo na halos nasa limampung metro na ang layo sa kanila at animo’y nalulunod na.

Kaagad nagpasaklolo ang kapatid nito sa mga lifeguard na naroon kung kaya’t kaagad din itong nailigtas.

Nang makausap naman ng Yes FM ang nakampanteng si Ryan ay kanyang sinabi na wala naman itong nainom na tubig-dagat dahil sa nasabing insidente.

Minarapat din nitong huwag na munang bumalik at maligo sa dagat, at sa halip ay naupo na lamang sa dalampasigan at minasdan ang malalakas na alon.    

No comments:

Post a Comment