Suportado ngayon ng DOT o Department of Tourism Office ang
bar enclosure sa Boracay.
Sa panayam kay DOT Boracay-Officer in charge Tim Ticar,
sinabi nito na maganda at dapat naman talagang bigyang pansin ng LGU Malay ang
problema tungkol sa sobrang ingay, dulot ng mga bar sa isla.
Ayon kay Ticar, matagal na itong problema sa Boracay mula pa
noong taong 1998.
May mga turista nga naman umano kasi sa Boracay na nais nang
magpahinga sa gabi, subalit naiistorbo at naiirita.
Ito’y dahil maliban sa malapit lamang sa kanilang
tinutuluyang resort o hotel ang mga disco bar, ay talagang malakas ang
pagpapatugtog ng mga ito kahit mag-uumaga na.
Subali’t ayon kay Ticar, sa halip na tuluyang i-turn off o
ihinto pagsapit ng alas dose ang pagpapatugtog ng mga nasabing bar.
Mas makabubuti umanong hinaan lang o kaya’y isara na ang
inilagay nilang sound proofing upang hindi marinig sa labas ang malakas na
tugtugan at hindi maperwisyo ang mga nagpapahinga.
Ito’y dahil hindi naman umano lahat ng mga bar sa isla ay
nasa residential area, o may mga katabing resort.
Maliban dito, may mga turista namang naghahanap talaga ng
night-life pagdating sa Boracay, kaya’t pangit namang mabitin ang kanilang
pagsasaya, kung ihihinto rin ang tugtugan.
Kaugnay nito,isinuhestiyon ni Ticar, na rebyuhing mabuti ang
nilalaman ng nasabing kasunduan o memorandum of agreement.
Ang bar enclosure ay inilaraga nitong Agosto a uno, sa
pamamagitan ng memorandum of agreement ni mayor John Yap at ng mga bar
operators sa Boracay, base na rin sa pagiging noise sensitive ng isla ito.
No comments:
Post a Comment