Pages

Wednesday, July 18, 2012

Mga local tour guide sa Boracay, isinailalim sa seminar


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Hindi lamang pala basta-basta ang pagiging tour guide.

Dahil ayon kay DOT Boracay Officer Judith Icutanim, ang pagiging tour guide ay isang propesyon.

Ito ang kanyang mariing sinabi tungkol sa isinasagawang seminar ngayong araw sa barangay Balabag hall, kung saan mahigit apatnapung lokal na tour guide sa isla ang nakapagsimulang magparehistro kahapon.

Ayon pa kay Icutanim, importanteng i-seminar ang mga tour guide dito, upang matiyak na naaabot ang standard o panuntunan ng isang totoong tour guide.

Karamihan umano kasi sa mga tour guide dito ay nagtatrabaho sa mga resorts, unemployed, na iba naman tumutugma sa hinihinging panuntunan ng ordinansa ng LGU Malay.

Dahil dito ang mga tour guide na nagse-seminar ngayon, ay talaga umanong isinailalim sa dalawampu’t isang araw na training na kinatatampukan ng effective communication, geography, at Philippine government at mga pagsusulit.

Matapos ang nasabing seminar, makakatanggap naman ang mga ito ng kaukulang sertipikasyon na maaari nilang magamit sa pag-aplay ng kanilang business permit.

Umaasa naman ang DOT na magkakaroon na ng de kalidad na serbisyo ang mga tour guide dito para sa munisipalidad ng Malay.

No comments:

Post a Comment