Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Isang napakagandang implikasyon para sa Boracay ang makilala
bilang numero uno at magdala ng titulong “2012 World’s Best Island”.
Bagay na ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
naturang pagkilala, dahil sa ikagaganda umano ito lalo ng turismo dito.
Subali’t ang mga nakabalandra at animo’y unregulated na mga
kable ng kuryenteng ikinakabit ng mga
establisemyento sa beach front ng isla ay itinuturing ng mga dumadaan doon na
delikado sa kanilang kaligtasan.
Isa na nga rito ang reklamo ng isang bente y nuwebe anyos na
lalaki sa Boracay matapos umano itong makuryente nitong nagdaang Linggo sa
harap ng isang establisemyento sa station 2, Balabag.
Sa sumbong ng biktima sa Boracay PNP, dakung alas sais y
medya ng gabi noon, matapos ng mga itong maligo sa dagat ng kanyang kasama ay
nakuryente ito ng extension wire ng isang negosyante ng mais doon.
Hinila umano ito ng kanyang kasama at subali’t nadamay din
itio sa pagkakuryente.
Mabuti na lamang at kinalauna’y nasagip pa ang nasabing
biktima ng ibang naroon at minarapat na tanggalin ang extension wire.
Kaugnay nito, nangako naman ang DOT Boracay na magpapatawag
ng pulong kasama ang Boracay Foundation Incorporated, Boracay Chamber of
Commerce, Akelco at Municipal Engineers Office upang maimbistigahan at
matugunan ang naturang insidente.
No comments:
Post a Comment