Pages

Wednesday, July 18, 2012

BFI, kinilala ng LGU Malay

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Malaki ang naging partisipasyon ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa anumang narating ngayon ng Malay at Boracay.

Isa na rito ang mahaba-haba at mabusising pakikipaglaban sa proyektong reklamasyon ng pamahalaang probinsya ng Aklan.

At ang labang ito ay nagbunga na, matapos ipag-utos ng Korte Suprema nitong nagdaang Huwebes na tuluyan nang ihinto ng probinsya ang apatnapung ektaryang reklamasyon sa Caticlan, bagay namang ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay ang nasabing desisyon.

Kaugnay nito, sinabi kanina sa sesyon ni SB Member Rowen Aguirre na nararapat lamang kilalanin din ng LGU Malay ang pakikipaglabang ng BFI sa karapatan ng bayang ito , sa pamamagitan ng isang komendasyon.

Samantala, kaagad namang sinang-ayunan ng mga miyembro ng konseho ang naturang proposisyon ni Aguirre.

Matatandaang ang BFI ay nakipaglaban kasama ng LGU Malay sa naging pamamaraan ng pamahalaang probinsya sa paglatag ng naturang proyekto at sa animo’y kawalan nito ng respeto sa kapangyarihan ng lokalidad dito. 

No comments:

Post a Comment