Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay
Sa panayam kahapon kay Dr. Jesse Gomez, School Division
Superintendent ng DepEd Aklan, mariin nitong ihinayag na tila hindi na ito
nagulat sa sitwasyon sa Boracay na kinulang ang mga silid aralan, sapagkat noon
pa man umano ay problema na umano ito.
Sinabi nito na hindi dahil sa K-12 program ang rason kung
bakit kinukulang ang classroom, at sa halip ay dala aniya ng migration sa isla
kasabay ng paglago ng turismo sa Boracay na nagresulta naman sa pagdami din ng populasyon
dito.
Bagamat hindi pa aniya nakakarating sa kanilang tanggapan
ang kasalukuyang sitwasyon ng mga paaralan sa Boracay, nasa priyoridad naman
ayon kay Gomez ng departemento ang pagbibigay solusyon sa mga suliranin dito, kung
ikukumpara sa ibang bayan.
Kaya aasahan aniya na ngayong taon ay madaragdagan ang mga
classroom sa mga paaralan sa isla.
Dagdag pa ng huli, anumang oras ay darating na rin aniya ang
karagdang guro para sa mga paaralan sa Boracay.
Hinggil naman sa kakulangan ng silid aralan, hindi pa naman
aniya kailangan sa ngayon na biglaang magkaroon ng karagdgang classroom dahil
sa may bagong curriculum at nadagdagan na rin ang taon sa pag-aaral.
Ito ay dahil mararamdaman pa aniya ang karagdagang taon sa
bagong curriculum sa susunod pang mga taon katulad ng karagdagang pang-limang
taon sa high school at Grade 7 sa elementary na hindi pa naman biglaang
ipapatupad ngayon, maliban sa Kindergarten at pagbago ng ilang module na
itinuturo sa mga mag-aaralan.
Kaya may pagkakataon pa aniya na mapaghandaan ng kakulangang
ito sa susunod pang mga taon.
Hindi rin nito nakitaan ng masama kung maging tatlong
shifting ang klase sa kindergarten katulad ng sa Balabag Elementary School
sapagkat inaasahang dalawa at kalahating oras lang naman ayon dito ang klase ng
mga estudyante sa level na ito.
Samantala, binigyang diin naman ni Gomez na hindi lamang
ayon dito lahat ng suporta sa pag-aaralan ay dapat magmula sa DepEd.
Ayon dito, ang edukasyon ay dapat umanong pinagtutulungan ng
lahat at buong komunidad, lokal na pamahalaan, barangay, pribadong sector at
iba pa, gayon ang komunidad din umano ang makikinabang sa mga kabataang ito sa
bandang huli kapag naging maganda ang edukasyon na ibinibigay sa mga estudyante.
No comments:
Post a Comment