Kung magkaroon man ng Mayor’s Permit ang Boracay Tubi at
pahihintulutan na makapaglatag ng kanilang mga tubo ng tubig, ang reklamo umano
sa traffic ay hindi na naman maiiwasan, ayon kay Sanggunaing Bayan Member Rowen
Aguirre.
Dahil dito ay tinanong ni Agguire ang kumpaniyang ito kung
dadaan ba sa kalsada o huhukayin na naman ba ang kalsada para lamang sa
kanilang mga tubo.
Kasabay nito ay hiniling din ni Aguirre na kung maaari lang ay
iwasan nang hukayin ang main road at kung puwede ay ibaon na lang sa gilid ng
kalsada ang mga tubo para hindi na maapektuhan ang trapiko sa Boracay.
Prangka naman ang tugon ni Jojo Tagpis, Operations Manager
ng Boracay Tubi, na hindi talaga maaaring hindi mahukay ang kalsada, dahil ito
lang ang tanging daan para maglatag ng tubo ang katulad nilang kumpaniya ng
utilities.
Ganoon pa man, nangako naman si Tagpis na maglalagay sila ng
maraming traffic aid at lahat ng paraan ay gagawin nila para lamang hindi sila
makapagdala ng mabigat na traffic sa isla.
Maliban dito, kapag nahukay aniya nila ang kalsada, gagawin
nila ang lahat para maibalik nila ito ng maayos sa pinakamadaling panahon,
gayong may naisip na silang istratehiya para hindi talaga maging ganoon kabigat
ang madadalang istorbo sa trapiko.
Samantala, sakaling pahintulitan ng punong ehekutibo ang ang
kanilang plano na makapaglatag ng tubo, aasahang dalawang buwan umano ang aabutin
bago matapos ang nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment