Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Para sa seguridad ng mga pasahero sa Boracay, isinusulong na
ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay ang panukalang pagkuha ng insurance ng lahat
ng uri ng pampublikong sasakyan sa isla.
Sa ordinansa isinusulong ngayon sa konseho, nakasaad na
lahat ng may-ari/operator ng mga tricycle at Multi Cabs sa Boracay ay dapat
kumuha ng insurance sa nga insurance company para sa mga driver at pasahero.
Gayon pa man, ang ordinansang ito ay nakalagak na ngayon sa
agenda ng SB, pero nakatakda pa itong idaan sa mga pagdinig bago maging ganap
na batas sa Boracay.
Matatandaang ang iba sa mga nabanggit na sasakyang ito at
walang insurance, maliban na lamang sa pangako ng Boracay Land Transportation Multi-purpose
Cooperative (BLTMPC) na ayuda sa ibang aspeto para sa mga miyembro nila.
No comments:
Post a Comment