Pages

Tuesday, May 15, 2012

Beach ng Boracay, magulo na at ginagamit na pangkomersiyo --- SB Aguirre


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Klaro ang nakasaad sa ordinansa, na lahat ng istrakturang nakalatag sa front beach ng Boracay partikular na sa vegetation area ay mahigpit na ipinagbabawal kaya kailangang itong tanggalin.  

Ito ang nilinaw ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre, Chairman ng Committee on Laws ang Ordinance ng SB Malay, batay sa panayam dito nitong tangghali.

Bilang reaksiyon na rin ito ni Aquirre sa una nang inihayag ni Island Administrator Glenn SacapaƱo.

Hindi na nila umano tinatanggal pa ang mga tent na nakalatag sa vegetation area dahil may mga pag-uusap na aniya sila ng may-ari ng estabishimiyementong naglagay ng tent, sa kundisyon na tanggalin lang ang mga bangko at mesa kapag araw, at klaro naman aniyang bawal ayon kay sa konsehal.

Kaya kung pinapayagan aniya ng lokal na pamahalaan ng Malay na maglatag ng tent o anumang istraktura sa vegetation area, ay hindi umano nito alam kung saan kinuha ng tagapag-patupad ng ordinansa sa isla ang kanilang sariling interpretasyon.

Dati ay malinis naman umano ang vegetation area, at ngayon lamang nangyari ang ganito na magulo na at ginagawa pang komersiyal, na dapat ay ipinipreserba ito at bukas sa lahat o publiko at hindi lamang para sa iisang tao.

Matatandaang sa panayam nitong nagdaang buwan kay Island Administrator SacapaƱo ay sinabi nito na hindi na nila tinanggal ang mga tent at ilan pang istraktura katulad ng paglagay ng bakod sa vegetation area, dahil nagsisilbi naman itong silungan ng mga turista kapag mainit o maulan.

No comments:

Post a Comment