Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Sinang-ayunan naman ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre
ang panukala ni Sangguniang Bayan Member Jonathan Cabrera na bigyang atensiyon
na ang mga ibinebentang pekeng items sa Boracay.
Ayon kay Aguirre, nasa isip na rin aniya nito ang hinggil
dito, katunayan ay nakapag-research na ito sa bagay na ito kung ano ang batas
na sakop ng nasabing panukala.
Alam naman umano ng lahat na bawal magbenta ng peke sa mga
consumer, may tatlong ahensiya aniya siyang nakita na makakapag-aksiyon hinggil
dito.
Unang natukoy ay ang Department of Trade and Industry (DTI) at
ang Bureau of Customs (BoC).
Bunsod nito, gayong nasa privilege hour pa lang ito nilatag,
aasahan magkakaroon pa rin ng mga pagdinig ang konseho ukol sa bagay na ito.
No comments:
Post a Comment