Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nakatakdang magkaroon ng inspeksiyon ang Sangguniang Bayan
ng Malay sa front beach ng Boracay ngayon linggo para silipin ang kasalukuyan
sitwasyon sa baybayin lalo na ang mga istrakturang nakalatag doon.
Layunin ng isasagawang inspeksiyon ay upang makita nila kung
ano ba ang dapat ayusin o tanggalin kung kinakailangan, ng sa ganon ay mailatag
nila ito sa paraan ng ordinansa.
Bagamat may kasalukyan ordinansa sa Boracay na bawal ang
straktura sa front beach partikular sa
vegetation area, dahil sa nagiging sagabal na ito, ngayon na umano ang
pagkakataon nila para makita kung may dapat ding bang ayusin o baguhin para
maging akma sa kasalukuyang panahon at kondisyon o ameyendahan na ang batas na
ito.
Ito ay dahil ang konseho aniya ay maaari din gumawa ng mga
rekomendasyon kahit pa ang saklaw lang nila ay ang gumawa ng batas sa bayan.
Pero hindi umano nangangahulugan na kung ano man ang nakita nilang
maling gawain sa front beach ay hahayaan na lamang nila o ipipikit nalang ang
kanilang mga mata.
No comments:
Post a Comment