Pages

Tuesday, May 15, 2012

Mga nagbebenta ng peke sa Boracay, nanganganib na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila nangananganib na ngayon ang kabuhayan ng mga nagbebenta ng mga pekeng items o sa sidewalks, katulad sa front beach at mga establishimiyemento  sa Boracay.

Ito ay dahil nabuksan na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang pagbibigay atensiyon sa mga panindang ito, gaya ng mga pekeng sunglasses, charger at kung anu-ano pang nilalako o ibinibenta sa isla.

Sa privilege speech ni SB Member Jonathan Cabrera, huminggi ito ng saklolo sa kapwa konsehal kung ano ang maaari nilang gawin sa mga pekeng paninda na ito.

Ayon dito, ang lumalabas aniya sa kasalukuyan ay tila hinahayaan o pinapayagan lamang ng lokal na pamahalaan ng Malay ang ganitong kalakaran, gayong ang Boracay ay kilala bilang sikat na World Tourist Destination pero ang paninda ay mga peke.

Kinuwestiyon din ng nasabing konsehal kung ano ang naging aksiyon sa bagay na ito ng Department of Trade and Industry (DTI), gayong ang nangyayari aniya ay madalas hands off ang ahensiyang ito pagdating sa Boracay.

Maliban dito, nakita rin umano nito na tila hindi binibigyang prayoridad ng tagapag-patupad ang batas ukol dito.

Paliwanag ni Cabrera, ang nais lamang niya aniya ay maprotektahan ang kapakanan ng mga consumer batay sa National Law. 

No comments:

Post a Comment