Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hinihintay nalang umano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay ang Action
Plan ng Engineering Department para pormal nang masimulan ang pagsasatama sa lahat ng sistima,
inprastraktura at iba pa straktura at batas sa Boracay, upang sa sulosyunan ang
mga suliranin sa isla.
Kung saan ito ay bahagi ng “Task Force Moratorium” ng ikinasa ng LGU para
sa Boracay.
Ayon kay Alma Beliherdo, Municipal Planning Officer ng Malay, ang Barangay
Level na binubuo ng tatlong Barangay sa Boracay ay nakapagsimula at nakapag
sumite na ng kani-kanila Action Plan, gayong ang mga ito ay may malaking bahagi
ding gagampanan dito.
Subalit ayon kay Beliherdo sa ngayon sa bahagi ng municipal level,
hinihintay pa nila ang binalangkas na Action Plan ng Engineering Department
bilang Action Officer ng Task Force.
No comments:
Post a Comment