Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hanggang sa ngayon ay nasa estado pa rin ng pagdepensa ang siyam na
opisyal ng Department of Natural Resources o DENR na napasama sa administrative
case.
Ito’y may kaugnayan sa isyu ng may tatlumpu’t isang lupain sa Boracay na
sinasabing nabigyan ng maling titulo.
Ito ang nabatid mula kay Merlyn Aborka, Forester 3 ng DENR-Aklan at head
ng Executive assistant ng Provincial Environment and Natural Resources o PENRO
at isa din sa mga napasama sa kaso.
Aniya, sa kasalukuyan ay nasa pagdinig na sila ng kaso at tapos na ang
imbestigasyon dito.
Pero inihayag ni Aborka na hindi na nila nalalaman talaga kung kailan
magbababa ng desisyon ang Central office ng DENR ukol sa admistrative case.
Matatandaang Marso ng taong 2011, siyam sa mga opisyal ng DENR mula sa
Regional, pababa sa PENRO-Aklan at CENRO-Boracay na si Merlene Aborka ay
sinampahan ng kasong administratibo, dahil sa kasama ang mga ito sa lumagda ng
at naging daan sa pagbibigay ng titulo sa 31 lupain sa Boracay.
Ngunit 18 sa mga lupaing ito ay napatunayan naman umano na walang
problema, kaya ang 18 ngayon ang idinedepensa nila.
No comments:
Post a Comment