Namataan ang kumpul-kumpul na mga sea urchin sa front beach noong
Huwebes, kung saan marami ang natinik sa mga bisitang naliligo sa baybayin ng
isla.
Subalit nilinaw ng Bantay Dagat Boracay na walang dapat
ikabahala ang publiko, sapagkat umaga ng Biyernes, kasabay ng Clean Up drive na
isasagawa, ay kukunin din umano nila ito ayon kay Felix Balquin, Marine
Biologist ng Municipal Agricultures Office at Bantay Dagat Boracay.
Dahil dito, may paalala si Balquin sa publiko lalo na sa mga
turista, na kung maari mag-ingat sa paliligo sa dagat.
Ganoon pa man imo-monitor naman umano nila ang baybayin ng
Boracay upang kunin ang mga sea urchin na ito.
Samantala, nabatid mula sa marine biologist na dahil sa presensiya
ng lumot sa baybayin na siyang nagsisilbing kagkain ng lamang dagat na ito ay
dumami ang sea urchin.
Ngunit nilinaw nito na hindi umano nangangahulugang madumi
na ang tubig sa Boracay taliwas sa paniniwala ng iba.
No comments:
Post a Comment