Ni Malbert Dalida, News Director,
YES FM Boracay
Suntok, sipa at hampas ng tubo sa ulo.
Ito ang napala ng bente singko anyos na lalaki makaraang
mahuli sa aktong pagnanakaw sa isang money changer sa barangay Balabag, pasado
ala una nitong hapon.
Sinasabi sa report ng Boracay PNP na nangyari ang insidente
matapos bumili ng maiinom ang kahera ng money changer sa tapat ng kanilang
pwesto.
Subali’t dali-dali umano itong bumalik nang mapansing may
isang lalaking nakapasok na sa loob ng kanilang money changer.
Kaagad nitong sinita ang suspek nang mapansing bukas na ang
kanilang kaha at hawak na ang pera mula doon.
Bogbogan na ang sumunod na eksena nang hinila nito sa damit
ang suspek at humingi ng saklolo.
Ang siste, pinagtulungan umano itong bogbogin ng mga
sumaklolong residente at ilang nakasaksi sa nangyari doon.
Sa presento na ng pulis nakilala ang nabogbog na suspek na
si Mark Anthony Castillo y Eugenio ng San Jose Antique.
Nang makapanayam ng Yes FM Boracay, ay kanya namang inamin
ang nagawa, na nagdulot sa kanya ng sakit ng katawan, mula sa pambubugbog ng taumbayan.
No comments:
Post a Comment