Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
40 miyembro ng municipal auxiliary police ang ipapakalat ng
lokal na pamahalaan ng Malay simula ngayong Semana Santa.
Bagama’t nangunguna ang problema kaugnay sa mabigat na
trapiko sa mainroad n g isla ayon kay Rommel Salsona, hepe ng MAP sa Boracay.
Pagmementina sa maayos na trapiko umano ngayon ang layunin
nila, lalo pa’t tila wala parin umanong sulosyon ang traffic dito dahil sa
makitid ang kalsada.
Sapagka’t may ilang bahagi umano ng daan na hinukay ng isang
kumpanya ng tubig kaya magpapahirap pa umano ito sa mga motorist.
Dahil dito, payo ni Salsona sa mga motorista na maging
disiplinado ang mga driver upang maging maaayos din ang lahat.
Samantala, nagpakalat na rin umano sila ng mga tao sa front
beach upang magbantay at magpatupad ng mga ordinansa katulad ng sa anti
smoking, anti littering.
Gayun din ipapatupad ang mga ordinansa laban sa mga ambulant
vendor at illegal na mga komisyuner sa front beach at sa mga pasaway na paraw
operator.
No comments:
Post a Comment