Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Ipinatupad na sa Caticlan Jetty Port ang mahigpit na
siguridad para sa maaayos na daloy ng mga turista, lalo na’t may bagong holding
area na doon.
Ayon kay Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maguirang, nagdagdag at nakapagpakalat
na sila ng mga security guards para mabantayan ang mga biyaherong ito papuntang
Boracay gayong din ang mga gamit ng mga turistang ito.
Maliban dito may mga Pulis na rin umano mula sa Malay PNP at
Aklan Public Safety Company, maging ang mga Coast Guard ay kasado na rin ayon.
Samantala, para sa mabilis at walang abala sa biyahe kapag
dadaan sa Caticlan Jetty Port.
Payo ngayon ni Maquirang sa mga lokal na residente ng Aklan
o Malay, na laging ihanda ang ID para maisawasang magka-problema at hindi na
masita pa.
Paalala pa nito, na kung maaari ang mga bagahe ay lagyan ng
tag para madaling mahanap o maibalik kapag nawala, at sundin lamang ang mga
pulisiya sa loob ng terminal para hindi na maabala pa.
Samantala, upang maginhawa ang pagbiyahe ng mga turistang
may dinaramdam, may inihanda umano ang pamunuan ng pantalan sa tulong ng lokal
na pamahalaan na Medical Team at Assistance Center sa mga nais magtanong.
No comments:
Post a Comment