“All set” na ngayon ang 6th Boracay International
Dragon Boat Festival na isasagawa sa isla ng Boracay sa
darating na ika dalawangput anim hanggang ika dalawangput walo ng Abril.
Sa
panayam kay Neneth Graf, Pangulo ng Boracay Island Paddlers Association (BIPA),
inihayag nito na plansado na ang lahat at tuloy na tuloy na ang karerang ito.
Ito
ay sa kabila nang maging isyu kamakailan nang nagpahayag din ang Philippine
Dragon Boat Federation (PDBF) na nagkakaroon din sila ng aktibidad sa Boracay
kasabay sa petsa at lugar na pagdarausan ng nilutong event ng mga lokal padlers
na ito sa isla.
Kaya
maging ang Alkalde ng Bayan ay naging maingat din sa pagbigay ng permiso dahil
maaaring maging komplekado ang dalawang aktibidad kung saka-sakali.
Tiwala
ngayon si Graf na hindi na problema pa sa bahagi ng BIPA ang pagkuha ng permit,
sa kabila na hindi pa nila hawak ngayon ang permisong ito dahil sa may kulang
pang isang requirements.
Ngunit
kampante ito na wala nang hadlang at sigurado na ang lahat.
Samantala,
wala namang komento muna ang huli kaugnay sa aplikasyon ng PDBF upang magkroon
din ng Permit o kung matutuloy din ang event na ito ng ibang grupo kasabay sa aktibidad
ng Boracay Island Paddlers Association.
No comments:
Post a Comment