Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Pinaghandaan na ngayong Mahal na Araw na hindi kukulangin
ang mga bangka sa Caticlan at Cagban Jetty Port, kasabay ng inaasahanag
pagdagsa ng mga turista lalo pa ngayon summer season.
Sapagkat lahat ng bangka ay pinahintulutan na nang
makapagbiyahe, hindi katulad ng normal na araw kung saan salitan ang mga bangka
dahil hinahati-hati sa paglalayag bawat araw.
Subalit sa pagkakataon ito, ayon kay Jetty Port
Administrator Nieven Maquirang, pinahintulutan nila ang mahigit walompung
bangka na ito upang maging sapat ang sasakyang pandagat papunta at palabas ng
Boarcay.
Maliban dito ikinatutuwa naman ni Maquirang sapagkat maliban
sa mga bangkang ito ng kooperatiba, handa rin ang dalawang kumpaniya ng fast
craft na magbigay serbisyo sa mga pasahero ano mang oras.
Dahil dito tila malabo umano na magkaroon ng kakulangan sa
sasakyang pandagat sa Jetty Port ngayong Holy Week at Summer Season.
No comments:
Post a Comment