YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Vice Mayor Cawaling, Magpapatulong sa DOT upang ipaayos ang mga Boat Stations sa Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Magpapatulong si Vice Mayor Ceciron Cawaling sa Department of Tourism (DOT) para sa pagpapaayos ng mga boat stations sa Boracay.

Sa draft ng resolusyong ipinasa nito sa SB Malay, nabatid na humihiling ito ng tulong pinansyal sa DOT, partikular kay Secretary Ramon Jimenez, para ayusin ang tatlong istayong ito.

Nalalapit na umano kasi lang ang Holy Week at kailangan ng matinong pampublikong palikuran para sa mga turista sa beach front ng Boracay.

Maliban dito, hihilingin din sa resolusyon, ayon pa kay Cawaling, na magkaroon ng Tourist Information Center sa Station 1 na merong international standard.

Pero sinabi nito na sakaling pumayag ang Tourism ay dapat kausapin muna ng DOT ang pamliya Elizalde na siyang may-ari ng lupang pagtatayuan nito sa Station 1, kahit pa sabihing noong una’y pinayagan na ang naunsyaming plano.

Isinulong umano ang nasabing panukala, sapagka’t ang tatlong istayong ito, kasama ang tourist assistance center ay proyekto umano ng DOT, at walang kaugnayan dito ang lokal na pamahalaan ng Malay.

Subali’t kung nanaisin aniya ng DOT na ibigay sa LGU Malay ang pagpapa-ayos sa mga ito ay maluwang naman aniya sigurong tatanggapin ng local na pamahalaan ng Malay, lalo na ang implementasyon ng proyekto. 

No comments:

Post a Comment