Pages

Monday, March 26, 2012

Cadastral Survey sa Boracay, aaprubahan sa loob ng dalawang buwan

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inaasahang dalawang buwan simula ngayon ay aaprubahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang resulta ng Cadastral Survey sa Boracay nitong taong 2011.

Ito ang inhayag ni Merza Samillano, CENRO Officer ng Boracay.

Ayon dito, sa kasalukuyan ay wala pa umano sa kanila ang resulta ng nasabing survey, kaya sa kasalukuyan ay hindi pa umano nito masabi sa ngayon kung ano na talaga ang estado.

Ito ay dahil patuloy pa ang isinasagawang pagtatama at pagkonsulta sa claimants ng mga lupa sa Boracay sa kabila ng napag-alaman nitong tapos na ang pasisiyasat sa lahat ng lupain sa isla.

Ngunit, hindi naman umano lingid sa kaalaman ni Samillano na may ilan pang dapat pang-ayusin sa gitna ng surveyor at may-ari ng lupa.

Pero sa pagkaka-alam aniya nito ay tuloy pa rin ang pagtanggap ng surveyor ng mga correction mula sa mga nagmamay-ari.

Magugunitang dinidinig at nasa Sangguniang Bayan ng Malay na ang resulosyong humihiling sa DENR na suspendihin muna ang pag-aproba sa Cadastral Survey na ito, dahil sa ilang suliraning nararanasan partikular ang umano’y pagbabago sa hugis at sukat lalo na ang pagkabahala ng mga stakeholder sa kanilang mga lot number. 

No comments:

Post a Comment