Pages

Monday, March 26, 2012

LTO, aminado sa green plate ng BLTMPC

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pinatotohanan ng LTO ang pahayag ni BLTMPC Chairman Ryan Tubi tungkol sa pag gamit ng green plate ng mga multi-cab ng kooperatiba.

Ito’y makaraang kumpirmahin ni Land Transportation Office Officer-Aklan LTO Director Valtimor Conanan na may basbas nga mula sa tanggapan nito ang pag-gamit ng green plate ng Boracay Land Transportation Multi-purpose Cooperative (BLTMPC) para sa mga unit na multi-cab ng kooperatiba sa isla.

Paliwanag ni Conanan, wala umanong available na plaka ang LTO kaya pansamantala ay ito muna ang ibinigay nila.

Subalit sa panayam ditto, inihayag ni Conanan na may mga plaka na sila ngayon doon kaya kung nanaisin ng BLTMPC ay pwede nang mabigyan ang kanilang mga multicab.

Samantala, inihayag din ni Conanan na may sapat na mga dokumento mula sa tanggapan nila ang kooperatiba para sa operasyon ng mga unit na ito.

Matatandaang pinuna ng ilang mga driver sa isla ang ilang unit ng multicab ng BLTMPC dahil sa gumagamit ito ng green plate, samantalang ginagamit ito ng pampublikong sasakyan.

Ito ay sa kabila ng kaalaman ng lahat na ang green plate ay para sa pribado at ang dilaw na plaka dapat ang gamitin, dahit ito’y para sa pampublikong mga sasakyan.

Magugunita ring inihayag ni Tubi sa panayam dito kahapon na hindi kasalanan ng BLTMPC ang pagkakaroon ng green plate kundi pagkukulang sa bahagi ng LTO.

No comments:

Post a Comment